Chinese national arestado sa kasong estafa sa Pasay City

By Clarize Austria August 21, 2019 - 11:00 PM

Kulong ang isang Chinese national matapos ireklamo ng isang negosyante sa Pasay City Miyerkules ng hapon.

Ayon sa pulisya, inireklamo ng negosyanteng si Jarvis Lopez, 38 anyos, ang Chinese national na si Shuai Liang, 37 anyos, makaraang hindi magbayad ng P250,000 pesos na utang.

Salaysay ni Lopez, nanghiram sa kanya ng pera si Liang at nangakong babayaran agad ito sa parehong araw.

Nagkita ang dalawa sa isang kapihan kung saan kinumpronta ni Lopez ang dayuhan at saka dinala ito sa presinto.

Nahaharap sa kasong estafa ang Chinese national na nasa kustodiya ng Pasay City police.

 

TAGS: chinese national, estafa, hindi nagbayad, negosyante, Pasay, utang, chinese national, estafa, hindi nagbayad, negosyante, Pasay, utang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.