Bgy. Kagawad at misis nito timbog sa droga sa Cotabato City

By Len Montaño August 21, 2019 - 10:18 PM

Arestado ang isang kagawad ng barangay sa drug raid sa bahay nito sa Cotabato City.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nakuha sa bgy. kagawad ang P340,000 na halaga ng droga.

Inaresto si Abdulbayan Diocolano Kamsa alyas Abduilbayan Diocolano, kagawad ng Barangay Tamontaka 3 gayundin ang asawa nitong si Zuraiba Diocolano.

Sa tulong ng Cotabato City Police at 5th Special Forces Battalion ng Philippine Army, nakuha sa mag-asawang suspek ang dalawang malaking sachet ng hinihinalang shabu, hindi lisensyadong kalibre .45, tatlong cellphone at pitaka na naglalaman ng iba’t ibang ID at dokumento.

Ayon kay PDEA-Bangasamoro Director Juvenal Azurin, isang high value target ang kagawad at ito ang sinasabing source ng droga sa lugar.

Nahaharap ang mag-asawa sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at illegal possession of firearm.

 

TAGS: Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Cotabato City, high value target, illegal possession of firearm, kagawad, PDEA, Raid, shabu, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Cotabato City, high value target, illegal possession of firearm, kagawad, PDEA, Raid, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.