Ayon kay Manila Public Information Office (PIO) Julius Leonen, sa kabuuang 896 na barangay sa lungsod, tanging dalawang barangay ang hindi nagbigay ng kanilang ulat noong August 13.
Hindi naman pinangalanan ang dalawang kapitan mula sa Tondo at Sampaloc ngunit hawak na ito ng Manila City Legal office.
Magugunitang iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Interior and Local Government (DILG) na bawiin ang mga lansangan sa Kalakhang Maynila mula sa mga sagabal na vendors, istraktura, at sasakyan.
Ang DILG naman ay ibinaba ito sa mga local government unit kung saan binigyan sila ng 60 na araw para maisakatuparan ang utos.