P1.2M na smuggled na bigas, sigarilyo nasabat sa Zamboanga
Nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) ang P1.2 milyong halaga smuggled na sigarilyo at bigas sa Zamboanga port noong Lunes, August 19.
Ayon sa BOC, nasa P735,000 ang halaga ng 196 na sako ng bigas na nakuha sa ML Nhardzrmar-2 habang nakadaong sa Weebin Private Wharf, Balisan Seaside sa Zamboanga City.
Nagmula ang bigas sa Vietnam at idinaan sa Sulu bago dumating sa Zamboanga port.
Nakahalo rin umano ang mga sako ng bigas sa copra products nang ilagay sa barko.
Nasa P500,000 naman ang halaga ng naipuslit na mga sigarilyo sa MV Trisha Kirstin-1 na pagmamay-ari ng Aleson Shipping Lines.
Nagmula ang dalawang barko sa Pangataran, Sulu, Basilan, at sa Isabela City at nang dumating sa Zamboanga port ay hindi nakapagpakita ng permit para sa mga produkto.
Hindi pa rin naman nakikilala ang mga tatanggap ng kontrabando dahil walang nag-claim nito.
Nasa kustodiya na ng BOC ang mga produktong nakuha at pinatawan ng Warrants of Seizure and detention (WSD) dahil sa paglabag sa Republic Act no. 10963 o Customs Modernazation and Tariff Act, Republic Act no. 10854 o Anti-Angricultural Smuggling Act of 2006, at Republic Act no. 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.