Niyanig ng magnitude 3.3 lindol ang Cotabato, Miyerkules ng gabi.
Batay sa datos ng Phivolcs, tumama ang lindol sa 9 kilometers Northeast ng Tulunan bandang 6:50 ng gabi.
May lalim ang lindol na 28 kilometers at tectonic ang origin.
Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.