Convicted rapist Antonio Sanchez, malabo nang makabalik sa pulitika – Panelo
Naniniwala si Presidential spokesman Salvador Panelo na hindi na maaring tumakbo sa pulitika si convicted rapist at murderer at dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez.
Pahayag ito ng Palasyo matapos ang napipintong paglaya ni Sanchez.
Ayon kay Panelo, saka lamang makababalik sa pulitika si Sanchez kung hihingi ng absolute pardon sa pangulo ng bansa.
“Yan we have so study that di ako masyado sure kung convicted i think di na siya pwede tumakbo unless meron siyang pareho ng iba na humihingi ng absolute pardon kung wala di siya pwede tumakbo,” pahayag ni Panelo.
Matatandaang sa exclusive interview ng Radyo Inquirer kay Sanchez noong December 2010 sa loob ng maximum compound ng New Bilibid Prison, sinabi nitong balak niyang bumalik sa larangan ng pulitika kapag nakalaya.
Kumpiyansa si Sanchez na walang pulitiko ang makatatalo sa kaniya.
Gayunman, hindi matiyak ni Sanchez kung mananalo siyang gobernador ng Laguna.
Sinabi pa nitong balak din niyang magsagawa ng pilgrimage sa Israel kasama ang kaniyang pamilya oras na makalabas ng kulungan.
Hinatulan ng pitong counts ng reclusion perpetua o habang buhay na pagkabilanggo si Sanchez dahil sa panggagahasa at pagpatay sa estudyanteng si Eileen Sarmenta noong 1993.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.