Suspek sa panggahasa sa isang menor de edad sa Pasig City, arestado
Arestado ang isang lalaking may kasong rape matapos ang ginawang follow-up operation sa Pasig City, Miyerkules ng umaga.
Nakilala ang suspek na si Carlito Mañaol, 48-anyos at residente ng Purok 3, Barangay Pineda sa lungsod.
Ayon kay Pasig City PNP Acting Chief PCol. Moises Villaveran Jr., bandang 7:45 ng umaga, ginawa nila ang operasyon laban sa suspek sa bahay mismo nito.
Aniya, hindi naman lumaban ang ang suspek nang ihain ang warrant of arrest sa kasong panggaggahasa.
Base sa ulat ng Pasig PNP, isang menor de edad ang biktima ng suspek.
Nakakulong na ang suspek sa Pasig City Police Station.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.