Nais ng Embahada ng Tsina na paigtingin pa ng Pilipinas ang batas, paghihigpit at pagpapatupad ng ban sa mga online gambling operation sa Pilipinas.
Kasunod ito ng pagsuspinde ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na pagtanggap ng aplikasyon ng mga bagong Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Ayon kay Chinese Foreign Ministry spokesperson Geng Shuang, magiging malaking tulong ito sa pabuo ng magandang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Matatandaang hiniling ng Chinese Embassy sa pamahalaan ng Pilipinas na parusahan ang mga POGO, casino o iba pang pasugalan na kumukuha ng mga manggagawang Tsino.
MOST READ
LATEST STORIES