52 gramo ng hinihinalang shabu, nasabat sa Cavite

Nasamsam ng pulisya ang nasa 52 gramo ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Dasmariñas, Cavite Miyerkules ng madaling-araw.

Nakilala ng mga pulis ang suspek na si Alexander Sisob alyas ‘Alex,’ 55-anyos at tulak ng droga sa nasabing lugar.

Nakuha kay Sison ang isang malaking pakete ng kontrabando at ang ginamit na buy-bust money sa operasyon.

Nagkakahalaga ang nakuhang ilegal na droga ng P353,600.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek at sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...