Epekto ng gagawing pag-develop ng China sa tatlong isla ng bansa, ipinapasilip sa Kamara

By Erwin Aguilon August 21, 2019 - 06:56 PM

Pinaiimbestigahan sa Kamara ang posibleng epekto sa seguridad ng gagawing development ng China sa tatlong isla sa bansa: ang Fuga, Grande at Chiquita island.

Base sa House Resolution 254 na inihain nina Bayan Muna Reps. Carlos Zarate, Eufemia Cullamat at Ferdinand Gaite, inaatasan nito ang House Committee on National Defense and Security na siyasatin in aid of legislation ang naturang China-funded project.

Partikular na pinaiimbestigahan ang posibleng implikasyon sa seguridad ng bansa kapag natuloy ang development sa mga isla.

Tinukoy sa resolusyon na ang Fuga Island ay bahagi ng Cagayan Special Economic Zone at dito rin matatagpuan ang telecommunications cable na kumokonekta sa bansa sa Mainland Asia.

Kapwa ginamit din ang Fuga at Grande bilang drop-off point at American reservation noong World War II habang ang Chiquita Island naman ay isa sa mga popular diving spot sa bansa.

Nababahala ang mga kongresista na gagamitin lamang ng China ang proyektong ito para makapang-espiya sa bansa at malaking banta ito sa seguridad ng mga Pilipino at sa ating bansa.

TAGS: Carlos Zarate, China, Chiquita island, Eufemia Cullamat, Ferdinand Gaite, Fuga island, Grande island, Carlos Zarate, China, Chiquita island, Eufemia Cullamat, Ferdinand Gaite, Fuga island, Grande island

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.