Misa, isinagawa sa Manila Memorial Park kasabay ng ika-36 taong kamatayan ni ex-Sen. Aquino
Nagtipun-tipon ang mga anak at iba pang kamag-anak ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. sa Manila Memorial Park sa Parañaque City, Miyerkules ng hapon.
Ito ay para sa pagdaraos ng misa ng pamilya para sa paggunita ng ika-36 taong kamatayan ni Aquino.
Isinagawa ang misa sa paligid ng puntod ng dating senador at ni dating Pangulong Corazon Aquino bandang 3:00 ng hapon.
Pinangunahan ng anak ni Aquino na si Pinky ang pagdarasal ng rosaryo.
Dumalo sa misa ang ilang personalidad tulad ni dating Senador Antonio Trillanes IV at mga tagasuporta ni Aquino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.