Hinikayat ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga Filipino na magsalita para labanan ang mga pang-aabuso.
Ito ay kasabay ng paggunita ng ika-36 taong kamatayan ni dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr.
Sa inilabas na pahayag sa kanilang Facebook page, dapat alalahanin ang naging sakripisyo ni Aquino para makamit ang kalayaan at demokrasya sa bansa.
Dapat ding anilang igiit ang karapatan at ipagtanggol ang mga naaapi.
Ibinahagi rin ni CHR ang naging pahayag ni Aquino na dapat magsilbi nang buo ang puso at loob para sa bayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.