Ilang lalawigan sa lugar, makararanas pa rin ng pag-ulan

Makararanas ng katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Zambales, Bataan, Pampanga at Bulacan.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 2:00 ng hapon, iiral ang sama ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Maliban sa mga nabanggit na lugar, uulanin din ang bahagi ng Tarlac at Nueva Ecija.

Inabisuhan naman ang mga apektadong residente na maging maingat sa posibleng pagbaha at landslide.

Sinabi rin ng PAGASA na manatiling nakatutok sa kanilang update ukol sa pinakahuling lagay ng panahon.

Read more...