Ilang lalawigan sa lugar, makararanas pa rin ng pag-ulan

By Angellic Jordan August 21, 2019 - 02:33 PM

Makararanas ng katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Zambales, Bataan, Pampanga at Bulacan.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 2:00 ng hapon, iiral ang sama ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Maliban sa mga nabanggit na lugar, uulanin din ang bahagi ng Tarlac at Nueva Ecija.

Inabisuhan naman ang mga apektadong residente na maging maingat sa posibleng pagbaha at landslide.

Sinabi rin ng PAGASA na manatiling nakatutok sa kanilang update ukol sa pinakahuling lagay ng panahon.

TAGS: bataan, Pagasa, Pampanga at Bulacan., posibleng pagbaha at landslide., Tarlac at Nueva Ecija., zambales, bataan, Pagasa, Pampanga at Bulacan., posibleng pagbaha at landslide., Tarlac at Nueva Ecija., zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.