Panelo, hindi nakialam sa napipintong paglaya ni convicted rapist Antonio Sanchez

By Chona Yu August 21, 2019 - 02:14 PM

Nanindigan si Presidential spokesman Salvador Panelo na hindi siya nakialam sa napipintong paglaya ni convicted rapist murder at dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, 27 taon na ang nakararaan nang kumalas siya sa legal team ni Sanchez.

Matatandaang isa si Panelo sa pitong abogado na dumipensa kay Sanchez sa 1993 rape murder case sa estudyante ng University of the Philippines – Los Baños (UPLB) na si Eileen Sarmenta at ng kanyang boyfriend na si Allan Gomez.

Ayon kay Panelo, dahil sa batas na pinagtibay noon pang 2013 at sa desisyon ng Korte Suprema na retroactive in nature, makikinabang ang mga convicted criminal na nabilanggo noon pang 1993 na napagsilbihan na ang maximum year ng kanilang sentensiya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance Law.

Si Sanchez ay nahatulan ng hukuman ng parusang seven counts of reclusion perpetua o pagkabilanggo ng habang buhay dahil sa panggagahasa at pagpatay kay Sarmenta.

TAGS: Allan Gomez, Calauan, Eileen Sarmenta, korte suprema, Laguna mayor Antonio Sanchez, Presidential spokesman Salvador Panelo, University of the Philippines - Los Baños (UPLB), Allan Gomez, Calauan, Eileen Sarmenta, korte suprema, Laguna mayor Antonio Sanchez, Presidential spokesman Salvador Panelo, University of the Philippines - Los Baños (UPLB)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.