Spider-Man maaring mawala sa Marvel

By Dona Dominguez-Cargullo August 21, 2019 - 01:08 PM

Nauwi sa wala ang pag-uusap sa pagitan ng Marvel at ng Sony kaugnay sa ownership ng karakter na Spider-Man.

Ang Sony ang nagmamay-ari sa movie rights ng Spider-Man.

Nagsimula lang maging bahagi ng Marvel ang karakter matapos ang kasunduan ng Sony at Marvel noong 2015 sa pagco-produce at paghati ng kita sa pelikula.

Pero hindi nagkaroon ng magandang pagtatapos ang kasunduan at partnership ng Disney at ng Sony sa isyu ng pinansyal para sa mga susunod pang Spider-Man movies.

Dahil dito, pinangangmbahang mawawala na si Spider-Man sa mga susunod na Marvel films.

Sa ulat ng “Deadline”, nais ng Disney ang mas malaking bahagi sa kita ng mga susunod na Spider-Man movies pero tumanggi rito ang Sony.

TAGS: Disney, Marvel, sony, Spider Man, Disney, Marvel, sony, Spider Man

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.