‘POGO ban’ dapat munang pag-aralan ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana

By Jan Escosio August 21, 2019 - 12:33 PM

Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na makikibahagi siya sa paggawa ng assessment ukol sa Philippine Offshore Gaming Operations o POGO sa bansa.

Kaya’t aniya dapat ay pag-aralan munang mabuti ang sinasabing pagbabawal na sa sumisikat na makabagong paraan ng pagsusugal.

Ayon pa kay Lorenzana sa isasagawang assessment kasama ang economic team ng gobyerno at ang PAGCOR ay malalaman kung anong hakbangin ang gagawin sa mg isyung bumabalot sa POGOs.

Dagdag pa ng kalihim malaki naman ang naiaambag din ng POGOs sa ekonomiya ng bansa.

Ngunit bago ito, nagpahayag ng pagkabahala si Lorenzana na nagiging banta na sa pambansang seguridad ang POGOs, na karamihan sa mga empleado ay Chinese nationals.

Ang Cambodia ipinatigil na ang online gambling sa kanilang bansa dahil sa dumadami na rin casino sa kanilang bansa na pag aari ng mga negosyante mula sa China.

TAGS: Delfin Lorenzana, pagcor, Philippine offshore gaming operations, POGO, Delfin Lorenzana, pagcor, Philippine offshore gaming operations, POGO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.