30-anyos na babae natagpuang hubad at tadtad ng saksak sa Zambales

Natagpuang patay at tadtad ng saksak ang isang 30 anyos na babae sa loob ng kaniyang bahay sa Zambales.

Ang katawan ng babae ay nakita ng mga otoridad araw ng Martes (Aug. 20).

Ayon sa pulisya, nakilala lamang sa pangalang “Melay” ang biktima na residente ng Barangay Calapandayan at nagtatrabaho bilang factory worker sa Subic Bay Freeport.

Hubad ang biktima at nakitaan ng 36 na tama ng saksak sa katawan.

Hinala ng mga pulis ginahasa muna ang babae bago pinatay.

Iniimbestigahan din ang posibleng pagnanakaw dahil may mga mahahalagang bagay na nawawala sa bahay.

Read more...