Base sa Resolution Number 10573 ng Comelec ay napagdesisyunan na magsisimula sa March 12 hanggang March 19, 2020 ang paghahain ng COC o ng Certificate of Candidacy.
Ang kabuuan naman ng election period ay mula March 12 hanggang May 18, 2020, habang ang campaign period naman o panahon ng pangangampanya ay simula May 1 hanggang May 9, 2020.
Matatandaang nuong nagdaang State of the Nation Address ay mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-anunsyo o humiling na gawin na lamang sa October 2022 ang eleksyon.
Paliwanag ng comelec na hindi pa naman aprubado ang kahilingan ng pangulo kaya pansamantala ay kailangan pa rin nilang paghandaan ang proseso ng halalang pang-barangay.