Bagyong Ineng napanatili ang lakas, halos hindi kumikilos sa bahagi ng Quezon
Napanatili ng bagyong Ineng ang lakas nito habang mabagal na kumikilos sa bahagi ng Quezon.
Sa weather bulletin ng PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa layong 1,155 kilometers East ng Infanta, Quezon.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 70 kilometers bawat oras.
Halos hindi kumikilos ang bagyo sa direksyong northwest.
Ang outer rainbands ng bagyong Ineng ay maghahatid ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Bicol Region at Eastern Visayas.
Ang Southwest Monsoon o Habagat naman ay nagpapaulan sa MIMAROPA at nalalabi pang bahagi ng Visayas.
Habang ang trough shallow Low Pressure Area (LPA) na nasal abas ng bansa at nasa bahagi ng karagatan ng Taiwan ay naghahatid ng pag-ulan sa Batanes at Babuyan Group of Islands.
Maliit ang tsansang tumama sa kalupaan ang bagyo pero lalakas pa ito at magiging isang tropical storm sa susunod na 24 na oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.