Dating Sen. Ninoy Aquino Jr., isinakripisyo ang sarili para makapagpatalsik ng diktador – VP Robredo

By Dona Dominguez-Cargullo August 21, 2019 - 10:59 AM

Isinakripisyo ni dating Senador Ninoy Aquino Jr. ang kaniyang buhay para makapagpatalsik ng diktador.

Bahagi ito ng mensahe ni Vice President Leni Robredo ngayong ginugunita ang ika-36 na anibersaryo ng kamatayan ni Ninoy.

Ayon kay Robredo ang pagkasawi ni Ninoy Aquino ay naging inspirasyon sa mga tao para magsama-sama upang mapatalsik noon ang diktaturyang Marcos.

Sinabi ni Robredo na maraming iba pa ang nagsasalita hinggil sa kahandaang mamatay para sa bansa, pero si Ninoy ang isa sa mga nakagawa nito.

Kasabay ng paggunita sa death anniversary ni Ninoy, sinabi ni Robredo na dapat ding alalahanin ang libu-libong mga FIlipino ang nagsakripisyo din para makamtam ng bansa ang kalayaan.

TAGS: Leni Robredo, Ninoy Aquino Day, Radyo Inquirer, Leni Robredo, Ninoy Aquino Day, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.