Bala na tumama at ikinamatay ng bata sa Bulacan, hindi ligaw

By Chona Yu December 31, 2015 - 08:47 AM

crime-scene-e1400865926320

Accidental firing at hindi ligaw na bala ang dahilan ng pagkasawi ng isang siyam na taong gulang na babae na si Lorena Cruz sa Norzagaray, Bulacan noong araw ng Pasko.

Ayon sa imbestigasyon ng Norzagaray Police, ang kapatid ng biktima na si Joel Cruz, 26 anyos ang nakapatay sa bata.

Isinabit sa dingding ni Cruz ang kanyang caliber .22 na baril na kinonvert bilang air gun at nalaglag.

Matapos malaglag ang baril, pumutok ito at natamaan ang bata.

Nasaksihan ng buong pamilya ang insidente.

Ayon pa sa pnp. Itinapon na umano ni Cruz ang baril sa ilog dahil ayaw niyang makita ito at naalala ang nasawing kapatid.

Nahaharap na ngayon sa kasong homicide si Cruz.

TAGS: bata, Bulacan, hindi ligaw na bala, bata, Bulacan, hindi ligaw na bala

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.