Publiko hinimok ni Pangulong Duterte na tularan si Ninoy Aquino
Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na gayahin ang mga ginawa at sakripisyo ni dating senador Ninoy Aquino Jr.
Pahayag ito ng pangulo kasabay ng paggunita ngayong araw ng ika-36 na anibersaryo ng kamatayan ni Aquino.
Sa mensahe ng pangulo, sinabi nito na dapat na ipagpatuloy ng mga Filipino ang diwa ng kabayanahinan na ipinamalas ni Aquino.
Hindi maikakaila ayon sa pangulo na malaki ang naging papel ni Aquino para maibalik ang demokrasya ng bansa.
Ayon sa pangulo ang mga sakripisyo ni Aquino ang nagpabago sa kasaysayan ng bansa para matamo ang kalayaan.
Idinagdag pa ng pangulo na marami pang dapat gawin sa pagsugpo sa korapsiyon, kahirapan at kawalan ng hustisya na nuon pang panahon ni Aquino ay nilalabanan na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.