BAI nagpalagay ng animal checkpoints sa Rodriguez, Rizal kasunod ng pagkasawi ng mahigit 100 baboy

By Dona Dominguez-Cargullo August 21, 2019 - 10:35 AM

Naglagay ng checkpoints sa mga entry at exit points sa bayan ng Rodriguez sa lalawigan ng Rizal.

Ito ay upang suriin ang mga hayop na inilalabas at ipinapasok sa bayan.

Ayon kay Bureau of Animal Industry (BAI) OICE-director, Dr. Ronnie Domingo, haharangin sa checkpoints at susuriin ang mga hayop upang Makita ang kondisyon ng mga ito.

Sa datos ng BAI, umabot na sa mahigit 100 ang nasawing baboy sa bayan ng Rodriguez.

Paglilinaw ni Domingo, hindi pa naman kumpirmadong African Swine Fever nga ang ikinasawi ng mga baboy at hinihintay pa ang resulta sa mga alagang isinailalim sa pagsusuri.

Pinayuhan naman ni Domingo ang mga nag-aalaga ng baboy na iwasan ang pagkatay at pagbenta sa mga alaga nilang nakikitaan nila ng panghihina.

Para naman sa consumers, dapat aniyang tiyakin na ang bibilhing pork products ay dumaan sa pagsusuri ng National Meat Inspection Service (NMIS).

TAGS: African Swine Fever, Bureau of Animal Industry, hog raisers, Rodriguez Rizal, African Swine Fever, Bureau of Animal Industry, hog raisers, Rodriguez Rizal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.