Lalaking hinihinalang biktima ng summary execution natagpuan sa Balamban, Cebu
Natagpuang walang buhay ang isang lalaki sa bayan ng Balamban sa Cebu.
Ayon kay Police Maj. Christian Tores ng Balamban Police, nakita ang wala nang buhay na si Armando Oppus, 34 anyos sa Sitio Buli sa Barangay Cansomoroy, Martes (Aug. 20) ng gabi.
Nakagapos ang biktima, at binalutan ng damit ang kaniyang ulo.
Nakita naman sa kalapit na Barangay Sunog sa Mt. Manunggal ang kotseo ni Oppus.
Si Oppus ay tubong Davao City.
Inaalam pa ngayon ang sanhi ng pagkamatay ng suspek pero hinihinala nang biktima ito ng summary execution.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.