Dalawang pulis ang sugatan matapos hagisan ng granada ng aarestuhin nilang suspek

By Dona Dominguez-Cargullo August 21, 2019 - 09:50 AM

Sugatan ang dalawang pulis makaraang hagisan ng granada ng suspek na kanila sanang aarestuhin sa Taguig City.

Ayon kay Taguig City police chief Col. Alexander Santos ang mga biktima ay sina Executive Master Sergeant Santiago Cordova at Cpl. Alnajim Abdulhalim ng Taguig Police Community Precinct 2.

Sa panayam ng INQUIRER.net kay Santos, nagsasagawa ng Simultaneous Anti Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) ang mga pulis sa bahagi ng Maguindanao Street sa Brgy. New Lower Bicutan ala 1:00 ng madaling araw ng Miyerkules (Aug 21).

Nakita nila ang isang lalaki na kahina-hinala ang kilos at nang lapitan ay natuklasang may dala itong tatlong granada.

Pinaputukan ng suspek ang mga pulis at saka naghagis ng granada.

Agad tumakas ang suspek matapos ang krimen habang mabilis namang naisugod sa ospital ang dalawang pulis.

Nakuha sa lugar ang dalawa pang granada na hindi sumabog at shrapnel mula sa pinasabog na granada.

Tinutugis ngayon ng mga otoridad ang tumakas na suspek.

TAGS: 2 police officers hurt, grenade explosion, New Lower Bicutan, Taguig City, 2 police officers hurt, grenade explosion, New Lower Bicutan, Taguig City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.