5 kabilang ang isang Chinese arestado sa tangkang pagdukot sa isa ring Chinese national sa Makati

By Dona Dominguez-Cargullo August 21, 2019 - 09:40 AM

Arestado ang isang Chinese national at apat na iba pa sa tangkang pagdukot sa isang lalaki at panunuhol sa mga otoridad sa Makati City.

Kinilala ng mga otoridad ang mga suspek na sina Zhaochun Chen, 21 at isang Chinese; Mark Anthony Pareño, 39; John Muega, 24; Reyan Villanueva, 35; at Jose Marie Lavilla, 31.

Nagpapatrulya ang mga tauhan ng Makati City police Miyerkules (Aug. 21) ng umaga nang matyempuhan nilang pilit isinasakay sa isang sasakyan ang biktimang si Ma Zhi Rui, 36 anyos sa kanto ng Kalayaan Avenue at Burgos Street sa Barangay Poblacion.

Agad rumesponde ang mga pulis na nagresulta sa pagkakadakip sa limang suspek.

Inalok pa ni Chen ang mga pulis ng P100,000 para hindi sila arestuhin.

Nakuha sa mga suspek ang isang Toyota Super Grandia.

Ang lima ay dinala sa Makati City police station at mahaharap sa karampatang kaso. (END/DD)

TAGS: kidnap suspects, kidnap victim, Kidnapping, makati city, Makati Police, kidnap suspects, kidnap victim, Kidnapping, makati city, Makati Police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.