Hijacker ng bus na gumamit ng pekeng armas patay sa rumespondeng mga pulis sa Brazil

Patay ang isang lalaki makaraang tangkaing i-hijack ang bus sa Rio de Janeiro sa Brazil.

Puno ng pasahero ang bus na hinostage ng suspek ng ilang oras sa pangunahing lansangan sa lugar at sa kasagsagan ng rush hour.

Ayon kay Lt. Col. Maurilio Nunes, ang suspek ay armado ng pekeng baril, lighter at plastic bottle na may lamang gasolina.

Nagbanta umano ang suspek na sisilaban ang sasakyan.

Pero nagawang mapatay ng elite police squad ang suspek.

Ligtas naman ang lahat ng 37 sakay ng bus at walang nasugatan sa kanila.

Read more...