Mula sa 27 kahapon, 32 na ang pasyente sa NKTI na ginagamot dahil sa leptospirosis.
Ang mga pasyente ay mula sa iba’t ibang lungsod sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.
Kahapon ay binisita ni Health Secretary Francisco Duque III at iba pang mga opisyal ng Department of Health (DOH) ang mga pasyente na may sakit na leptospirosis sa NKTI.
Pagtitiyak ng DOH at NKTI, handa ang mga pasilidad at mga health workers sa pagresponde sa mga kaso ng sakit.
Hinimok ni Duque ang publiko na agarang magpa-konsulta sa mga health center kapag lumusong sa tubig baha may sugat man o wala.
Pinaalahanan din ng kalihim ang mga lokal na pamahalaan sa importansya ng regular na paglilinis sa kapaligiran upang maiwasan ang mga sakit tulad ng leptospirosis.