Bilang ng mga pasyente na may leptospirosis sa NKTI nadagdagan pa

By Dona Dominguez-Cargullo August 21, 2019 - 06:59 AM

Nadagdagan pa ang bilang ng mga pasyente na naka-confine sa National Kidney Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City dahil sa sakit na leptopirosis.

Mula sa 27 kahapon, 32 na ang pasyente sa NKTI na ginagamot dahil sa leptospirosis.

Ang mga pasyente ay mula sa iba’t ibang lungsod sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

Kahapon ay binisita ni Health Secretary Francisco Duque III at iba pang mga opisyal ng Department of Health (DOH) ang mga pasyente na may sakit na leptospirosis sa NKTI.

Pagtitiyak ng DOH at NKTI, handa ang mga pasilidad at mga health workers sa pagresponde sa mga kaso ng sakit.

Hinimok ni Duque ang publiko na agarang magpa-konsulta sa mga health center kapag lumusong sa tubig baha may sugat man o wala.

Pinaalahanan din ng kalihim ang mga lokal na pamahalaan sa importansya ng regular na paglilinis sa kapaligiran upang maiwasan ang mga sakit tulad ng leptospirosis.

TAGS: department of health, Health, Leptospirosis, NKTI, department of health, Health, Leptospirosis, NKTI

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.