Tatlong hinihinalang miyembro ng kidnap-for-ransom group patay sa engkwentro sa Cavite
Patay ang tatlong hinihinalang miyembro ng kidnap-for-ransom group sa bayan ng Indang, Cavite makaraang manlaban sa mga pulis na magsisilbi sana ng search warrant.
Target ng operasyon ng mga tauhan ng Cavite Police Provincial Office, Indang Police Station at PNP-Anti Kidnaping Group ang mga miyembro ng “Pacia Kidnap for Ransom Group” na nag-ooperate sa Pasay City.
Ayon kay Cavite police provincial director Senior Supt. William Segun, papalapit pa lamang sa bahay na hinihinalang safehouse ng grupo ang mga pulis na magsisilbi ng search warrant nang sila ay paputukan.
Gumanti ng putok ang mga pulis na ikinasawi ng tatlo.
Isa sa mga nasawi ay kinilalang si Alyas Vince na kilalang tauhan ni Magdaleno Pacia ang lider ng “Pacia Kidnap for Ransom Group”.
Si Pacia ay isang dating pulis na nag-awol at pagkatapos ay binuo ang nasabing grupo.
Patuloy namang kinikilala ang dalawa pang nasawi.
Nakuha sa lugar ang mga armas na ginamit ng suspek at isang kulay pulang kotse.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.