Mga biktima ng carnapping, pinayuhang puntahan ang bodega sa Taguig

By Kathleen Betina Aenlle December 31, 2015 - 04:40 AM

taguig cityPinayuhan ng mga pulis Taguig ang mga motoristang nawalan ng sasakyan, partikular na iyong mga mula pa sa Bulacan, Pampanga, Laguna at Rizal, na puntahan ang isang bodega na ni-raid nila nitong linggo lamang.

Matatandaang kamakailan lamang ay nagsagawa ng raid ang mga otoridad sa isang warehouse sa Taguig kung saan natagpuan ang napakaraming kinatay na parte at piyesa ng mga sasakyan.

Tumungo pa doon ang ilang mga nawalan ng sasakyan at natagpuan pa ang kanilang pag-aaring behikulo ngunit nakatay na ang mga ito.

Ang naturang warehouse ay pag-aari ng pulis na si PO3 Wilson Castro Regala, na una nang nai-ugnay sa nakawan ng sasakyan, ngunit nakalusot at nanatili pa rin sa serbisyo.

Mahigit isang linggo na ring hindi nagre-report sa trabaho si Regala na nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO) na naka-base sa Bicutan, Taguig bago pa man gawin ang raid.

Sa panayam ng Inquirer, Miyerkules, sinabi ng hepe ng Taguig police na si Senior Supt. Arthur Felix Asis na inaasahang matatapos na nila sa Lunes ang imbentaryo ng mga parte ng sasakyan.

Baka kasi sakaling dito na nila matagpuan ang mga hinahanap nilang sasakyan na nawawala, at para makatiyak sila, maari nilang ikumpara ang chassis number ng mga sasakyang naroon, sa mga resibo at certificate of registrations na nasa kanila.

Ayon kay Asis, karamihan sa mga nandoon ay mga parte ng trucks, vans at motorsiklo.

Kinumpirma naman ni Asis na naaresto na noong 2013 si Regala dahil sa pagnanakaw ng isang Isuzu van na naka-parada sa Makati City.

TAGS: stolen cars in taguig warehouse, stolen cars in taguig warehouse

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.