Bagong Navy warship ipapadala sa Palawan, Sulu Sea

By Len Montaño August 21, 2019 - 04:43 AM

Phil. Navy photo

Sa gitna ng ilang beses nang pagdaan ng mga barko ng ibang bansa sa karagatang sakop ng Pilipinas, nais ng gobyerno na ipadala ang bagong barkong pandigma ng Philippine Navy sa Palawan at Sulu Sea.

Nais ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang deployment ng BRP Conrado Yap, ang bagong Navy warship, sa mga teritoryo ng bansa sa Palawan at Sulu Sea.

“Kung ako, baka siguro baka Palawan and the Sulu Seas,” pahayag ni Lorenzana sa arrival ceremony ng BRP Conrado Yap.

Ang plano ni Lorenzana ay sa gitna rin ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat nang kumuha ng clearance ang mga foreign vessels na dadaan sa karagatan ng bansa.

Ito ay dahil sa walang abisong pagdaan ang Chinese warships sa Sibutu Strait malapit sa Sulu Sea.

Una nang sinabi ng Philippine Navy na ang BRP Conrado Yap ang “most powerful ship” ng bansa.

Ang warship ay donasyon ng gobyerno ng South Korea gaya ng BRP Davao del Sur na pabalik na sa Pilipinas matapos sumali sa selebrasyon ng Russian Navy.

Layon ng Navy warship na itaboy ang mga dayuhang barko na iligal na nangingisda o dumaraan sa teritoryo ng Pilipinas.

 

TAGS: BRP Conrado Yap, Defense Secretary Delfin Lorenzana, dumaraan sa bansa, foreign vessel, ipapadala, most powerful ship, Navy warship, Palawan, sulu sea, BRP Conrado Yap, Defense Secretary Delfin Lorenzana, dumaraan sa bansa, foreign vessel, ipapadala, most powerful ship, Navy warship, Palawan, sulu sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.