Lalaki patay sa pamamaril sa Pasay city; kinakasama sugatan

By Len Montaño August 21, 2019 - 04:22 AM

Patay sa pamamaril ang isang lalaki habang sugatan ang live in partner nito sa Pasay City.

Dead on the spot ang lalaking nakilala sa alyas Nick habang sugatan ang kinakasama nitong nakilala sa alyas na Mai Mai.

Ayon sa pulisya, pinagbabaril ang dalawa sa loob ng kanilang bahay.

Nagtamo ang lalaki ng mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito habang ang babae ay may tama sa kanang balikat.

Nabatid na nasa drugs watchlist ang mag live in partner.

Gantihan ang tinitingnang anggulo ng pulisya sa pamamaril.

 

TAGS: 1 patay, 1 sugatan, drugs watchlist, gantihan, live in partner, Pasay, patay sa pamamaril, 1 patay, 1 sugatan, drugs watchlist, gantihan, live in partner, Pasay, patay sa pamamaril

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.