Sa gitna ng umiigting na tensyon sa South China Sea ay may bagong paratang ang Estados Unidos laban sa China.
Inakusahan ng White House ang China na nagsasagawa ng umanoy “bullying tactics” kaugnay ng agawan ng mga teritoryo sa South China Sea.
Ayon sa national security advisor ni US Pres. Donald Trump na si John Bolton, nakakaalarma ang mga hakbang ng Beijing sa mga teritoryo sa rehiyon.
Tinukoy ng US official ang ginagawa umanong pambu-bully ng China sa mga bansang umaangkin din sa ilang bahagi ng South China Sea.
Dagdag ni Bolton, suportado ng Amerika ang mga bansang tumututol sa mga ginagawa ng China gaya ng bullying na anyay banta sa kapayapaan at katatagan sa rehiyon.
Ilang beses nang binatikos ng US ang hakbang ng China na pagpapalawak ng teritoryo sa South China Sea.
Ang pahayag ni Bolton ay sa gitna ng trade war sa pagitan ng US at China.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.