Dennis Padilla pinaalalahanan si Gerald Anderson sa gitna ng isyu kay Julia Barretto

Dennis Padilla IG

Ipinaalala ng komedyanteng si Dennis Padilla kay Gerald Anderson na anak niya si Julia Barretto sa gitna ng kontrobersya sa pagitan ng aktor at kanyang anak.

Ayon kay Dennis, nagkausap sila sa telepono ni Gerald at pinaalalahanan niya ang binata na anak niya si Julia.

Hindi na ipinaliwanag ni Dennis ang kanyang sinabi dahil sa naturang pahayag anya ay alam na ng binata ang gusto niyang ibig sabihin.

Paliwanag pa nito, kapag anak niya ang sangkot ay prayoridad niya na proteksyunan ito.

Dahil dito ay sinabihan din ni Dennis ang anak na magpahinga muna sa social media.

Pinayuhan din nito si Julia na magbakasyon muna kung wala pa itong ginagawang proyekto at hintayin na mamatay ang isyu sa kanila ni Gerald.

Si Julia ay anak ni Dennis sa dati nitong asawa na si Marjorie Barretto.

 

Read more...