Dennis Padilla pinaalalahanan si Gerald Anderson sa gitna ng isyu kay Julia Barretto

By Len Montaño August 21, 2019 - 03:08 AM

Dennis Padilla IG

Ipinaalala ng komedyanteng si Dennis Padilla kay Gerald Anderson na anak niya si Julia Barretto sa gitna ng kontrobersya sa pagitan ng aktor at kanyang anak.

Ayon kay Dennis, nagkausap sila sa telepono ni Gerald at pinaalalahanan niya ang binata na anak niya si Julia.

Hindi na ipinaliwanag ni Dennis ang kanyang sinabi dahil sa naturang pahayag anya ay alam na ng binata ang gusto niyang ibig sabihin.

Paliwanag pa nito, kapag anak niya ang sangkot ay prayoridad niya na proteksyunan ito.

Dahil dito ay sinabihan din ni Dennis ang anak na magpahinga muna sa social media.

Pinayuhan din nito si Julia na magbakasyon muna kung wala pa itong ginagawang proyekto at hintayin na mamatay ang isyu sa kanila ni Gerald.

Si Julia ay anak ni Dennis sa dati nitong asawa na si Marjorie Barretto.

 

TAGS: anak ko yan, Dennis Padilla, Gerald Anderson, Julia Barretto, pahinga muna, proteksyon, social media, anak ko yan, Dennis Padilla, Gerald Anderson, Julia Barretto, pahinga muna, proteksyon, social media

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.