Gatchalian dismayado sa delay sa total electrification strategy plan

By Jan Escosio August 21, 2019 - 02:12 AM

Binigyan pa ng isang pagkakataon ni Senator Sherwin Gatchalian ang Department of Energy para makapagsumite ng kanilang plano kaugnay sa Total Electrification Program and Strategy.

Sa pagdinig ng pinamumunuan niyang Committee on Energy muling hinanap ni Gatchalian ang plano at istratehiya na una niyang hiningi may isang taon na ang nakakalipas sa DOE.

Ayon kay Gatchalian gusto niya na magkaroon na ng kuryente ang lahat ng kabahayan sa bansa at sa hinihingi niyang plano malalaman kung paano ito isasagawa.

Tinanggap muli ng senador ang mga dahilan ng mga taga-DOE kayat binigyan niya ang mga ito ng hanggang sa darating na Huwebes para isumite sa komite ang kanyang hinihingi.

Kasabay nito, pinalagpas pa rin ni Gatchalian ang muling hindi pagdalo ni Energy Sec. Alfonso Cusi sa pagdinig, ngunit nagpaalala na rin ang senador na sa susunod na hearing ay gusto niyang personal na magpaliwanag ukol sa kanilang istratehiya na sa taon 2022 ang lahat ng kabahayan sa bansa ay may kuryente na.

 

TAGS: DOE, Energy Sec. Alfonso Cusi, Kuryente, Sherwin Gatchalian, Total Electrification Program and Strategy, DOE, Energy Sec. Alfonso Cusi, Kuryente, Sherwin Gatchalian, Total Electrification Program and Strategy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.