Government workers, may dagdag-sahod sa 2020

By Len Montaño August 21, 2019 - 02:06 AM

INQUIRER PHOTO /RAFFY LERMA

Inanunsyo ng Department of Budget and Management (DBM) na magkakaroon ng isa pang round ng dagdag sahod ang mga nagtatrabaho sa gobyerno na ibibigay sa susunod na taon.

Ayon kay Budget Secretary Wendel Avisado, ang isa pang round ng umento sa sweldo ay para sa mga civilian government employees.

Pahayag ito ng kalihim kasabay ng pagsumite ng DBM sa Kamara ng panukalang 2020 national budhet na P4.1 trilyon.

Ang pondo anya para sa isa pang bugso ng Salary Standardization Law (SSL) ay nakapaloob na sa naturang panukala.

Paliwanag ni Avisado, hindi na kailangan ang executive order (EO) kung aprubado na ng Kongreso ang national budget kung saan kasama ang pondo para sa dagdag sahod.

Hanggang noong nakaraang buwan, nasa mahigit 1.2 milyon ang bilang ng mga nagtatrabaho sa gobyerno.

 

TAGS: 2020, Budget Secretary Wendel Avisado, dagdag sahod, DBM, government workers, isa pang round, national budget, Salary Standardization Law., sweldo, umento, 2020, Budget Secretary Wendel Avisado, dagdag sahod, DBM, government workers, isa pang round, national budget, Salary Standardization Law., sweldo, umento

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.