Dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez malapit nang lumaya
Inihayag ng Department of Justice (DOJ) na malapit nang lumaya si dating Calauan. Laguna Mayor Antonio Sanchez.
Si Sanchez ay convicted sa kasong rape at pagpatay sa dalawang estudyante ng University of the Philippines sa Los Baños, Laguna.
Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, ang malapit nang paglaya ni Sanchez ay dahil sa “good conduct” nito.
Dagdag ng kalihim, maaaring sa susunod na 2 buwan, libo-libong mga inmates ang makakalaya na kabilang ang dating alkalde.
Dumipensa naman si Guevarra na ipinapatupad lamang ang batas kaya high profile o ordinaryo mang inmate ay makikinabang dito.
Isa lamang anya si Sanchez sa mahigit 10,000 inmates na malapit nang lumaya alinsunod sa Republic Act 10592 o ang batas na nagdagdag ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) na ibinibigay sa mga preso.
Ang GCTA ay ang dagdag na panahon na ibinabawas sa sintensya ng isang convict bilang pabuya sa magandang ugali.
“Hindi lang prospective but retroactive ang application so that benefits lahat ng nakakulong na preso kasama si Mayor Sanchez na matagal na ring nakakulong mae entitle doon sa recomputation kaya baka makalabas na sya,” ani Guevarra.
Matatandaan na nahatulan si Sanchez ng hanggang 40 taong pagkakulong dahil sa paggahasa at pagpatay kay Eileen Sarmenta at pagpatay din sa nobyo nitong si Allan Gomez.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.