4 sa 11 kaso ng pagpatay sa Negros Oriental solved na ayon kay Albayalde

By Clarize Austria August 21, 2019 - 12:51 AM

Nalutas na ang apat sa labing-isang kaso ng sunud-sunod na pagpatay sa Negros Oriental.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Police General Oscar Albayalde, nasampahan na ng kaso ang mga suspek sa apat na insidente.

Patuloy naman aniya ang paghahanap ng pulisya at militar sa pito pang katao na sangkot sa mga pamamaslang.

Bumuo na rin ng special investigation task group (SITG) upang imbestigahan ang mga nasabing krimen.

Noong nakaraang buwan naiulat ang sunud-sunod na pagpatay sa lalawigan kabilang ang ambush ng New People’s Army (NPA) sa apat na pulis.

 

TAGS: kaso, nalutas na, Negros Oriental, NPA, patayan, PNP chief Oscar Albayalde, Pulis, solved na, kaso, nalutas na, Negros Oriental, NPA, patayan, PNP chief Oscar Albayalde, Pulis, solved na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.