Malakanyang ipinaubaya sa Kongreso ang pagpasa sa panukalang 2020 budget

By Chona Yu August 21, 2019 - 12:44 AM

Umaasa ang palasyo ng malakanyang na hindi na maaantala ang pagpasa sa 2020 national budget.

Pahayag ito ng palasyo matapos isumite sa Kamara araw ng Martes ang panukalang P4.1 trilyong  pambansang pondo.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nasa kamay na ng mga mambabatas kung ipapasa o iaantala ang pagpasa sa budget.

Dagdag ni Panelo, naapektuhan ang ekonomiya ng bansa kung naantala ang pagpasa sa budget.

Kumpiyansa si Panelo na wala nang balakid na kakaharapin ang budget dahil marami sa mga mambabatas ngayon ang kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

TAGS: 2020 national budget, antala, ipasa, ipinaubaya, Kamara, mambabatas, P4.1 trillon, Presidential spokesman Salvador Panelo, 2020 national budget, antala, ipasa, ipinaubaya, Kamara, mambabatas, P4.1 trillon, Presidential spokesman Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.