Sedition complaint, kasinungalingan at aksaya ng oras ayon sa isang Obispo

By Clarize Austria August 21, 2019 - 12:12 AM

Pinabulaanan ni Caloocan Bishop Pablo Virgilio David ang kasong sedisyon laban sa kanya, kay Bise Presidente Leni Robredo at 30 iba pa na kritikal sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay David, pag-aaksaya lang ng oras at pawang mga kasinungalingan ang mga akusasyon sa kanila na base lamang sa testimonya si Peter Advincula o alyas ‘Bikoy’ na nagpakilalang nasa likod ng ‘Ang Totoong Narcolist’ videos.

Dagdag ni David, pagdating sana aniya ng September 6 ay magkaroon na ng resolution ang kaso upang huwag masayang ang panahon ng lahat sa mga bagay na walang katuturan.

Magugunita na nagsampa ng sedition case and Philippine National Police – Criminal Investigation and Detention Group (PNP-CIDG) sa mahigit 30 katao mula sa gobyerno at pati na sa Simbahang Katolika dahil sa umano’y pagkakasangkot sa planong patalsikin ang pangulo.

 

TAGS: Ang Totoong Narcolist videos, bikoy, Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, kasinungalingan, Peter Advincula, PNP-CIDG, resolusyon, sayang ng oras, sedition, Simbahang Katolika, Ang Totoong Narcolist videos, bikoy, Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, kasinungalingan, Peter Advincula, PNP-CIDG, resolusyon, sayang ng oras, sedition, Simbahang Katolika

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.