Resolusyon ng pakikiramay sa pamilya ni Gina Lopez ipinasa sa Senado

By Jan Escosio August 21, 2019 - 12:05 AM

Agad sinang-ayunan ng mga senador ang resolusyon na nagpapahayag ng pakikiramay sa mga naulila ni dating Environment Secretary Gina Lopez.

Pinag-isa na lang ang dalawang resolusyon na inihain nina Senators Manuel Lapid at Manny Pacquiao na kumikilala sa naiambag ni Lopez sa pangangalaga sa kalikasan.

Sa Senate Resolution No. 100 na inihain ni Lapid, sinabi nito na tunay na ipinaglaban ni Lopez ang pangangalaga sa kalikasan at nararapat lang na kilalanin ang kanyang serbisyo at kontribusyon.

Sinabi naman ni Pacquiao sa kanyang Senate Resolution No. 105 na natatangi rin ang ginawa ni Lopez na pakikipaglaban para sa karapatan ng mga bata.

Aniya nagsisilbing inspirasyon ang dating kalihim sa lahat ng mga nagmamahal sa kalikasan at mga bata.

Nagsilbing DENR secretary si Lopez ng 10 buwan lang matapos na hindi ito makumpirma ng Commission on Appointments noong May 2017.

 

TAGS: gina lopez, pagkilala, pakikiramay, resolusyon, Senator Lito Lapid, Senator Manny Pacquiao, gina lopez, pagkilala, pakikiramay, resolusyon, Senator Lito Lapid, Senator Manny Pacquiao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.