Pogo na malapit sa mga kampo, ‘detrimental’ sa seguridad ng bansa kung madaragdagan pa

By Clarize Austria August 20, 2019 - 11:52 PM

Maaaring makapinsala sa seguridad ng bansa kung darami pa ang mga nakatayong Philippine Offshore Gaming Operator (Pogo) outlets sa mga kampo ng pulisya at militar.

Ayon ito kay Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde na nagsabing dapat tingnan ang mga Pogo hubs kung talaga bang nag-ooperate ito bilang negosyo.

Kahit aniya walang ginagawang illegal ang mga hubs, makasasama pa rin ito sa national security kung masyado ng marami.

Ang pahayag ni Albayalde ay kasunod ng pagkaalarma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na maaaring magamit ang mga Pogo outlets para sa pang-eespiya sa mga kampo ng pulisya at militar.

Paglilinaw naman ni Albayalde, normal lang na magtayo ang mga foreign investors ng negosyo malapit sa mga nasabing kampo.

 

TAGS: detrimental, kampo, Militar, PNP chief General Oscar Albayalde, POGO, pulisya, detrimental, kampo, Militar, PNP chief General Oscar Albayalde, POGO, pulisya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.