119 opisyal ng Bureau of Customs kakasuhan dahil sa kurapsyon

Sinampahan ng kasong administratibo at kriminal ang nasa 119 na opisyal ng Bureau of Customs (BOC) na diumano’y sangkot sa kurapsyon.

Ayon kay Customs commissioner Rey Leonardo Guerrero, sinusunod lang ng BOC ang utos ng Office of the Ombudsman na tanggalin sa pwesto ang mga nakitaan ng anomalya sa loob ng nasabing ahesya.

Nasa ‘floating’ status ngayon at obligadong mag-ulat sa Compiliance Monitoring Unit ang mga opisyal habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Batay sa midyear report ng BOC, nakapagtala ng 120 kasong administratibo at 20 ang kasong kriminal sa ilang mga tauhan ng ahensya.

Mula naman September 2017 hanggang August 2019, anim na ang tuluyang nasibak sa pwesto at lima ang nasuspende dahil sa mga paglabag sa panuntunan ng BOC.

 

Read more...