Binatikos ni Bishop Ruperto Santos ang administrasyon ng Pangulong Benigno Aquino III dahil sa kapabayaan nito nang mabitay ang Overseas Filipino Worker (OFW) na si Joselito Zapanta sa Saudi Arabia.
Ayon kay Santos, chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, nakadidismaya dahil bagamat tinagurian ang mga OFW na makabagong bayani, hindi naman ito natulungan ng pamahalaan na maligtas sa kamatayan.
Apela ni Santos sa gobyerno, matuto na magpahalaga sa buhay at sakripisyo ng bawat Filipino lalo na sa mga OFW.
Binitay si Zapanta matapos mabigo ang kanyang pamilya na makalikom ng 48 milyong pisong blood money matapos mapatay ang kanyang among Sudanese.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority, mahigit sa 1,000 OFWs ang nakakukulong sa ibat ibang bansa habang 88 ang nasa death row.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.