Panukalang dagdag excise tax sa alak, sigarilyo at vape lusot na sa Kamara

By Erwin Aguilon August 20, 2019 - 11:16 PM

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukalang magtataas sa excise tax rates ng mga alcoholic drinks, heated tobacco at vape sa bansa.

Sa botong na 184 na YES, 2 na NO at 1 ABSTAIN, lumusot ang House Bill 1026 o ang An Act Amending the National Revenue Code of 1997.

Nakasaad sa ipinasang panukala na itaas sa P6.60 ang excise tax na ipinapataw sa mga alcoholic drinks, kumpara sa kung ano ang ipinapatupad sa ilalim ng Republic Act 10351 o ang Excise Tax reform Law on tobacco and alcohol.

Kapag naging ganap na batas, simula sa January 2020 magkakaroon ng ad valorem rate na 22 percent kabilang na ang specific tax rates per proof liter ng P30, P35, P40, P45 mula sa 2020 hanggang 2023 para sa mga distilled spirits ay tataas ng 7 percent kada taon simula 2024.

Sa kasalukuyang RA 10351 ang mga alak ay mayroong P22.40 specific tax at ad valorem tax na 20 percent.

Inaprubahan din ang P650 unitary rate para sa mga sparkling wines.

Samantala, tinaas naman sa P2.10 ang buwis sa mga still at carbonated wines, habang ang may alcohol content na mas mataas sa 14 percent ay may P4.10 na pagtaas.

Ang inaprubahang tax rate naman para sa fermented liquors ay tinaas sa P2.60.

Papatawan na rin ng buwis ang vape at e-cigarettes products kung saan simula January 1, 2020 ang 10 ml na  individual cartridge, refill, pod o container ng vapor products ay papatawan ng P10 na buwis at kung lalagpas naman ito sa 50 ml ay papatawan naman ng P50 na buwis at karagdagan pang P10 kada additional 10 ml.

Kapag naging batas ang panukala kikita ang gobyerno ng P17 billion sa unang taong pagpapatupad nito.

Walumpung porsyento ng kita rito ay mapupunta sa pagpapatupad ng Universal Health Care Law at ang natitirang 20 porsyento ay paghahatian ng mga lalawigan na nagtatanim ng tobacco at para sa mga programa na magpo-promote sa ibang pagkakakitaan ng mga magsasaka ng tobacco.

 

 

TAGS: alak, An Act Amending the National Revenue Code of 1997, dagdag buwis, excise tax, Kamara, sigarilyo, vape, alak, An Act Amending the National Revenue Code of 1997, dagdag buwis, excise tax, Kamara, sigarilyo, vape

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.