Naglabas na ng summon order ang Department of Justice para sa mga lider ng ilang militanteng grupo sa bansa.
May kaugnayan pa rin ito sa sinasabing massive recruitment ng mga kabataan para maging kasapi ng maka-kaliwang grupo.
Kabilang sa mga respondent sa subpoena ay sina Kabataan Party-list Representative Sarah Elago, Bayan Muna chairman Neri Colmenares, dating Akbayan Representative Tom Villarin, Anakbayan Youth spokesperson Alex Danday, at Anakbayan chairperson Vencer Crisostomo.
Ipinahaharap rin sa imbestigasyon ng DOJ prosecutor sina Charie Del Rosario, Bianca Gacos, Jayroven Villafuente Balais, at Einstein Recedes.
Gaganapin ang pagdinig sa Augosto 27 at Sept. 10 at 24 sa tanggapan ng DOJ.
Sa pamamagitan ng preliminary investigation ay aalamin kung may basehan ang pagsasampa ng kasong child abuse at trafficking laban sa nasabing mga personalidad.
Magugunitang lumutang ang ilang mga magulang sa pagsinig sa Senado kung saan kanilang inakusahan ang Anakbayan ng umano’y pagkumbinsi sa kanilang mga anak na maging kasapi ng militanteng grupo.
Ang Anakbayan ay kabilang sa mga grupong sinasabing front organization ng Communist Party of the Philippines.