Hog raisers sa Rodriguez, Rizal pinulong ng lokal na pamahalaan kasunod ng pangamba ng kaso ng ASF

By Dona Dominguez-Cargullo August 20, 2019 - 05:37 PM

CREDIT: ARNEL DE VERA

Pinulong ng lokal na pamahalaan ang grupo ng hog raisers sa Rodriguez, Rizal kasunod ng mga pangamba ng kaso ng African Swine Fever sa bayan.

Ipinatawag ni Mayor Tom Hernandez ang mga nag-aalaga ng baboy upang ipaliwanag ang sitwasyon.

Kasama sa pulong sina Dr. Gloria G. Salazar ng Department of Agriculture Region 4A, Dr. Oscar Jhon Caborayan ng Bureau of Animal Industry (BAI) at si Municipal Head of DA Anson Go.

Ayon kay Arnel De Vera, isa sa mga hog raiser na dumalo sa pagpupulong, nilinaw ng lokal na pamahalaan na walang kumpirmadong kaso ng ASF sa Rodriguez.

Ang mga alaga nilang baboy ay kinuhanan muna ng sample upang masuri at matiyak ding ligtas sa ASF.

Kabilang sa mga sinuri ay mga alagang baboy sa Barangays San Isidro, San Jose at Macabud at ang nasasakupan ng 1-kilometer hanggang 7-kilometer radius mula sa mga sinuring babuyan.

Ayon sa Rodriguez MDRRMO isinailalim sa quarantine ang bahagi ng mga Brgy. San Isidro, Macabud at San Jose dahil sa insidente ng pagkamatay ng alagang mga baboy.

Sinabi naman ng lokal na pamahalaan na walang dapat ipangamba ang mga residente dahil walang kumpirmadong kaso ng ASF sa bayan at maliban dito, ang ASF ay hindi naman naisasalin mula sa baboy patungo sa tao.

Tiniyak din ng LGU sa mga residente na ligtas bumili at kumain ng karneng baboy.

Una dito ay nagpalabas ng alerto ang Taiwan laban sa Pilipinas dahil may kaso umano ng ASF sa Rizal at Bulacan.

May mga nagpapakalat din ng post sa social media na may mga alagang baboy sa Montalban ang napepesete o nagkakasakit kaya pinapatay na lamang.

TAGS: African Swine Fever, ASF, hog industry, hog raisers, African Swine Fever, ASF, hog industry, hog raisers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.